Official lyrics · Tagalog / English

Justice Man

Reading layers
Back to song
01

Intro

Kaguluhan ang natatanaw

Paos na ang sumisigaw

pawala na ang mga ilaw

May bayani bang lilitaw?

Pasuko na ang buong bayan

pagod na ang mamamayan

Wala na bang lumalaban?

Wala na bang ma-aasahan?

Laban! Justice Man!

02

Verse 1

Nagtatago sa anyong tao

Mga buwayang manloloko

Akala n'yo walang alam ang mga tao

at hindi nakikita kayo?

inangkin na ang lahat

ng makaliskis nyong balat

Pero humanda kayo

At parating na ako!

03

Pre-Chorus

Narito na!

Narito na!

Ang pangalan

Ng inyong kalaban!

Justice Man!

04

Chorus

Ako si Justice Man!

Humanda ang kampon ng kadiliman!

Ako si Justice Man!

Hindi bibitaw sa aking laban!

Mga kampon ng Buwaya Clan!

Mga linta sa ating lipunan!

Nandito na ang inyong kalaban!

Ako ay si... Justice Man!

05

Verse 2

Ang pinondo ng publiko

ginawa nilang pribado

pinasok sa gobyerno

ang kanilang kaalyado

kakampi daw ng mga tao

pero lahat ng pambuhay ay hawak nyo?

maposas ninyo man ang buong bansa

may lalaban sa inyong lansa!

06

Pre-Chorus

Madurog man nila ako

May tutuloy sa laban ko!

ipapasa ko sa inyo...

ang lahat ng powers ko

Para sa inyo!!!

07

Chorus

Ako si Justice Man!

Humanda ang kampon ng kadiliman!

Ako si Justice Man!

Hindi bibitaw sa aking laban!

Mga kampon ng Buwaya Clan!

Mga linta sa ating lipunan!

Nandito na ang inyong kalaban!

Ako ay si... Justice Man!

08

Bridge

Sa likod ng mga gulo

May ganid na nagtatago

nilunod ang ating bansa

binahayan ng mga buwaya

Sa kadilima'y lalabas

Mga tunay na tagapag-ligtas

Pag-nagsama ang ating lakas

Buwaya Empire magwa-wakas!

Tara mga Justice Men!!!

09

Final Chorus

Kami ang Justice Men!

Humanda ang kampon ng kadiliman!

Kami ang Justice Men!

Hindi bibitaw sa aming laban!

Mga kampon ng Buwaya Clan!

Mga linta sa ating lipunan!

Nandito na ang inyong kalaban!

Kami ang mga... Justice Men!

Words & musicSai Yujin

Author and co-composer · Human-directed music and visual production

Published byMorville Studios

Official lyric master · All rights reserved

Rights & licensing